• Home
  • Mga Tip sa Pagtaya

Chicago White Sox @ Los Angeles Angels Tips - Angels mananalo sa opener

27 Jun 2022
Librengpusta Staff 27 Jun 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Chicago White Sox @ Los Angeles Angels sa MLB sa Lunes (Martes 02:38 BST/09:38 Manila Time)
  • Ang laro ay gaganapin sa Angel Stadium
  • Lucas Giolito vs Noah Syndergaard
  • Ito ang ikalimang pagkikita ng White Sox at Angels ngayong season
Expired
Angel Stadium fans
Maghaharap ang White Sox at Angels sa Anaheim. (Ronald Martinez/Getty Images)
Sisimulan ng Chicago White Sox at Los Angeles Angels ang kanilang three-game series sa Angel Stadium sa Anaheim sa Lunes (Martes 02:38 BST/09:38 Manila Time).

Ito ang ikalimang pagkikita ng White Sox at Angels ngayong season. Kapwa nagtala ng dalawang panalo ang dalawang koponan sa kanilang four-game series sa Guaranteed Rate Field noong Abril at Mayo.

Target ng White Sox (34-37) na makuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos nilang malusutan ang Baltimore Orioles 4-3 noong Linggo sa huling laro ng kanilang four-game duel sa Chicago. 

Pumalo si Gavin Sheets ng two-run homer sa 2nd inning para pangunahan ang White Sox. Nagtala rin ng mga RBI sina Andrew Vaughn (sacrifice fly) at Seby Zavala (single) para tulungan ang kanilang koponan na putulin ang kanilang four-game losing streak.

Nagpukol naman si White Sox starter Dylan Cease ng career-high 13 strikeouts at nagsuko ng 4 hits at 1 run sa 7 innings para makuha ang kanyang ika-anim na panalo ngayong season. 

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang White Sox sa American League Central sa likod ng Minnesota at Cleveland at pang-anim naman sila sa wildcard race.

Kagagaling naman ng Angels sa isang come-from-behind 2-1 panalo kontra Seattle Mariners noong Linggo na nagresulta sa isang awayan. Nakuha ng Los Angeles ang kanilang dalawang run sa 7th inning matapos ang solo homer ni Luis Rengifo na sinundan ng RBI single ni David MacKinnon. Lumamang ang Mariners sa 6th inning matapos pumalo ni Abraham Toro-Hernandez ng solo homer.

Na-eject naman si Angels starter Andrew Wantz sa 2nd inning matapos niyang tamaan si Jesse Winker ng pitch na nauwi sa isang gulo sa pagitan ng dalawang panig. Pinalitan siya ni Jose Suarez, na nakuha ang kanyang unang panalo ngayong season matapos niyang magtala ng 8 strikeouts at magsuko ng 5 hits at 1 run sa 6 innings.

Pumapangatlo ang Angels (35-40) sa AL West sa likod ng Houston at Texas at nasa ikapitong puwesto naman sila sa wildcard standings

Nakatakdang magsimula si Lucas Giolito (4-4) para sa White Sox. Natalo ang right-hander sa kanyang huling panimula, na nagresulta sa isang 13-3 kabiguan sa Houston noong Biyernes. Nagsuko siya ng 7 hits at 8 runs sa larong iyon. Nakaharap ni Giolito ang Angels noong Abril kung saan nalasap niya ang kanyang unang pagkatalo matapos niyang magsuko ng 7 hits at 3 runs sa 6 innings sa kanilang 5-1 kabiguan. 

Si Noah Syndergaard (4-6) ang starting pitcher ng Angels sa larong ito. Natalo ang 29-year-old right-hander sa kanyang huling apat na panimula kaya determinado siyang makabawi dito. Nagsuko si Syndergaard ng 8 hits at 5 runs sa 7 1/3 innings sa kanilang 6-2 pagkatalo kontra Kansas City noong nakaraang linggo sa kanyang huling panimula.

Verdict

Parehong galing sa panalo ang dalawang koponan ngunit may home field advantage ang Angels kaya hula namin na sila ang mananalo sa opener.

Best Bet: Angels To Win @5/7 at Hollywood bets - 1 Unit
Angels
To Win
@5/7 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan