• Home
  • Mga Tip sa Pagtaya

Houston Astros @ New York Yankees Tips - Yankees mananalo ulit

23 Jun 2022
Librengpusta Staff 23 Jun 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Houston Astros @ New York Yankees sa MLB sa Huwebes (Biyernes 00:05 BST/07:05 Manila Time)
  • Ang laro ay gaganapin sa Yankee Stadium
  • Ito ang unang pagkikita ng dalawang koponan ngayong season
  • Framber Valdez (HOU) vs Jameson Taillon (NYY)Y
Expired
Yankee Stadium
Maghaharap ang Yankees at Astros sa Yankee Stadium. (Spencer Platt/Getty Images)
Magsisimula ang three-game series sa pagitan ng Houston Astros at New York Yankees sa Bronx sa Huwebes (Biyernes 00:05 BST/07:05 Manila Time).

Hangad ng Astros (43-25) na makuha ang kanilang ika-apat na sunod na panalo. Tinalo ng American League West leaders ang New York Mets 5-3 noong Miyerkules para ma-sweep ang kanilang two-game series sa Minute Maid Park.

Pumalo si Yordan Alvarez ng dalawang home run habang humataw si Alex Bregman ng two-run shot para pangunahan ang Houston sa kanilang ika-anim na panalo sa kanilang huling pitong laro. Si Michael Brantley naman ang nagbigay ng unang run ng Astros matapos niyang pumalo ng double sa unang inning.

May 21 homers na si Alvarez ngayong season at pumapangalawa lamang sila ni Mike Trout ng Los Angeles Angels kay Aaron Judge ng Yankees sa buong liga.

Nalusutan naman ng Yankees ang Tampa Bay Rays 5-4 sa huling laro ng kanilang three-game series sa Tropicana Field noong Miyerkules.

Ang two-run homer ni Jose Trevino sa 8th inning ang nagbigay ng panalo para sa New York, na nakabalik sa 4-1 deficit. 

Dalawang beses naman naka-homer si Judge para patuloy na manguna sa home run leaders na may 27 homers ngayong season.

Nakuha ni Yankees reliever Clarke Schmidt ang kanyang ika-apat na panalo ngayong season habang nakamit ni Clay Holmes ang kanyang ika-12 save matapos niyang magpukol sa scoreless 9th inning.

Nanalo ang Major League-best Yankees (51-18) sa ika-18 beses sa kanilang huling 21 laro.

Target ni Framber Valdez (7-3) na makakuha ng magkasunod na mga panalo sa kanyang nakatakdang panimula para sa Astros. Nagpukol ng 7 strikeouts at nagsuko ng 8 hits at 3 runs sa 6 innings sa kanilang 13-3 paglampaso sa Chicago White Sox noong Biyernes.

Hangad naman ni Yankees starter Jameson Taillon (8-1) na makuha ang kanyang ikatlong sunod na panalo. Naglista ang 30-year-old right-hander ng 8 strikeouts at nagsuko ng 4 hits sa 5 2/3 innings sa kanilang 4-0 panalo sa Toronto noong Sabado. Isa si Taillon sa may pinamakaraming panalo sa Major League ngayong season. 

Verdict

Namamayagpag ang Yankees ngayong season sa pangunguna ni Aaron Judge kaya inaasahan namin sila na talunin ang Astros sa opener ng kanilang serye sa Bronx.

Best Bet: Yankees To Win @7/9 at Hollywood bets - 1 Unit
Yankees
To Win
@7/9 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan