• Home
  • Mga Tip sa Pagtaya

Texas Rangers @ Seattle Mariners Tips - Mariners magwawagi sa opener

25 Jul 2022
Librengpusta Staff 25 Jul 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Texas Rangers @ Seattle Mariners sa MLB sa Lunes (Martes 03:10 BST/10:10 Manila Time)
  • Ang laro ay gaganapin sa T-Mobile Park
  • Glenn Otto (TEX) vs Chris Flexen (SEA)
  • Tinalo ng Rangers ang Athletics sa kanilang huling laban
  • Natalo ang Seattle sa kanilang huling 3 laro
  • Nanalo ang Mariners sa kanilang huling limang laro kontra Rangers
Expired
T-Mobile Park fans
Muling maghaharap ang Mariners at Rangers sa T-Mobile Park (Steph Chambers/Getty Images)
Muling maghaharap ang Texas Rangers at Seattle Mariners sa Major League Baseball sa Lunes.

Ito ang ika-10 pagkikita ng American League West rivals ngayong season. Nanalo ang Mariners sa kanilang huling limang laro kontra Rangers.

Tinapos ng Rangers (43-51) ang kanilang three-game series sa Oakland sa isang 11-8 panalo noong Linggo. 

Nakakuha ng 10-0 kalamangan ang Texas sa 5th inning bago nagtangkang humabol ang Athletics.

Nagtala ng 4 hits at 3 RBI si Adolis Garcia kabilang ang isang two-run homer sa 1st inning para pangunahan ang Texas sa kanilang unang panalo sa serye. 

Pumalo naman ng solo homer si Corey Seager habang nagrehistro si Kole Calhoun ng two-run single. Nagpasok din ng run sina Marcus Semien, Jonah Heim, Leody Taveras, Ezequiel Duran at Josh Smith para tulungan ang Texas na makuha ang kanilang ikalawang panalo sa kanilang huling walong laro. 

Pinahirapan naman ni Texas starter Martin Perez ang Athletics para makuha ang kanyang ikawalong sunod na panalo. Nagpukol ang All-Star pitcher ng 6 strikeouts at nagsuko lamang ng 4 hits at 1 run sa 7 innings.

Determinado namang makabawi ang Mariners (51-45) matapos silang ma-sweep ng Houston Astros sa kanilang three-game series sa T-Mobile Park. Nakalasap sila ng 8-5 kabiguan noong Linggo kung saan pumalo ng two-run homer si Toro-Hernandez para pangunahan ang Seattle, na nanalo ng 14 magkakasunod na laro bago nila nakatapat ang Astros. 

Naglista naman ng triple si Sam Haggerty na nagresulta sa dalawang run habang puamalo ng RBI double si JP Crawford. 

Si Glenn Otto (4-6) ang starting pitcher ng Rangers sa opener ng serye. Bigong makakuha ng panalo ang right-hander sa kaniyang huling laro kung saan nagtamo siya ng 4 talo at isang no-decision. Sa kanyang huling panimula ay nagsuko siya ng 5 hits at 3 runs sa 6 innings sa kanilang 6-2 pagkatalo sa Mariners noong Hulyo 17. Sa kanya naman naikredito ang kanilang 3-2 panalo kontra Seattle noong Hunyo matapos niyang magsuko ng 2 hits at 2 runs sa 5 innings.

Ipaparada naman ng Mariners si Chris Flexen (6-8), na hindi nakakuha ng decision sa kanilang 6-2 tagumpay sa Texas noong Hulyo 17 sa kanyang huling panimula kung saan nagsuko siya ng 4 hits at 1 run sa 3 2/3 innings.

Verdict

Inaasahan namin na magwagi ang Mariners sa opener ng serye.

Best Bet: Mariners To Win @17/25 at Hollywood bets - 1 Unit
Mariners
To Win
@17/25 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan